IQNA

Isang Milyong mga Kopya ng Qur’an ang Ipapamahagi sa 22 na mga Bansa sa Panahon ng Ramadan

7:42 - March 09, 2023
News ID: 3005249
TEHRAN (IQNA) – Sinabi ng Kagawaran ng Islamikong mga Kapakanan, Dawah at Patnubay na plano nitong ipamahagi ang isang milyong mga kopya ng Banal na Quran sa iba't ibang mga wika sa 22 na mga bansa.

Ang mga kopya ng Banal na Aklat ay ibibigay sa panahon ng banal na buwan ng Ramadan, ayon sa pahayagang Al-Watan.

Kasama sa mga ito ang mga pagsasalin ng Banal na Qur’an sa 76 na mga wika, sinabi ng ulat, na idinagdag na ipapamahagi ang mga ito sa mga sentrong pangrelihiyon at Islamiko gayundin sa mga tanggapan na kaanib sa kagawaran.

Ang mga kopya ay nakalimbag sa King Fahd Complex para sa Paglathala ng Banal na Qur’an, na alin nakabase sa banal na lungsod ng Medina.

Gumagawa ito ng humigit-kumulang 10 milyong mga kopya ng Qur’an bawat taon. Naglalathala din ito ng mga salin ng Banal na Aklat sa iba't ibang mga wika.

Ang Ramadan (na magsisimula sa Marso 23 ngayong taon) ay ang ikasiyam na buwan sa kalendaryong Islam. Ito ay panahon ng pagdasal, pag-aayuno, pagbibigay ng kawanggawa at pananagutan sa sarili para sa mga Muslim sa buong mundo.

Sa panahon ng Ramadan, ang mga Muslim ay nag-aayuno (umiiwas sa mga pagkain at mga inumin) mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog ng araw.

Naglalaan din sila ng maraming oras sa buwang ito sa pagbabasa at pagninilay sa Qur’an.

 

 

3482718

captcha