IQNA

Kilalang mga Iskolar ng Mundo ng Muslim/2 Ang Paliwanag ni Muhammad Sadiq Arjun sa mga Paraan ng Pagpapakahulugan

12:11 - October 12, 2022
News ID: 3004654
TEHRAN (IQNA) – Si Muhammad Sadiq Ibrahim Arjun (1903- 1981) ay isang iskolar ng Al-Azhar na ang mga isinulat at naitala na mga gawa tungkol sa pagpapakahulugan ng Qur’an ay mabuti na mapagkukunan para sa pananaliksik sa larangan ng Tafseer (pagpapakahulugan ng Qur’an) at mga agham na Islamiko.

Isa sa kanyang mga aklat ay Al-Qur’an Al-Azim: Hidayat wa I’jaz fi Aqwal al-Mufasireen” (Dakilang Qur’an: Ang Patnubay at Himala Nito sa mga Salita ng mga Tagapagkahulugan ng Qur’an). Sa aklat na ito, saglit niyang tinalakay ang mga pamamaraang ginagamit ng mga tagapagkahulugan sa iba't ibang mga panahon at ang kanilang mga gawa sa larangang ito ng mga agham na Islamiko.

Sinabi niya sa aklat na ang mga tagapagkahulugan ay gumawa ng todo-todo na pagsisikap sa kanilang mga isinulat upang ihatid ang kaalaman at mga turo sa lipunan at ginamit ang anumang mayroon sila sa pag-aaral at pagsasaliksik sa pagpapakauhulugan ng Aklat ng Diyos.

Binibigyang-diin niya na ang Qur’an ay liwanag at patnubay para sa sangkatauhan at nag-aanyaya sa mga tao na umunlad at umaakay sa kanila sa kaligtasan at kaligayahan sa mundong ito at sa susunod at iyon ang dahilan kung bakit ito ay isang walang hanggang aklat na nagbubukas ng mga abot-tanaw ng kaalaman at pang-unawa.

Sinabi rin ni Arjun sa kanyang aklat na ang mismong patnubay ng Qur’an ay ang haligi ng espirituwal na himala ng Banal na Aklat.

Sumulat siya ng isa pang aklat na pinamagatang “Nahw Minhaj Li Tafseer al-Qur’an” (Isang Pamamaraan sa Paraan ng Pagbibigay-kahulugan sa Qur’an) kung saan nananawagan siya sa mga mananaliksik ng Qur’anikong pag-aaral na kumuha ng mabuti at tamang pamamaraan na may layuning ipaliwanag ang patnubay ng Qur’an at ang mga talata nito at mga salita sa paraang nagpapatunay sa pagiging walang hanggan ng Qur’an at sa katayuan nito bilang isang aklat para sa sangkatauhan.

Sa aklat na ito, ang Ehiptiyanong iskolar ay nagbabala tungkol sa lihis na mga pananaw na nagpapahina sa katayuan ng mga talata ng Qur’an at nag-aalok ng mga di-makatwirang mga pagpapakahulugan upang payapain ang ilan.

Inaanyayahan niya ang mga iskolar na bumalik sa banal na patnubay ng Qur’an at nag-aalok ng Islamiko-Qur’aniko na pananaliksik na nag-uugnay sa kasalukuyang panahon sa unang mga taon pagkatapos ng pagdating ng Islam.

Ang kanyang layunin sa aklat na ito ay hindi upang ipakilala ang mga pamamaraan ng pagpapakahulugan ng Qur’an sa mga Muslim kundi para anyayahan ang paglalagay ng Qur’an sa katayuan sa pag-aaral na Islamiko na nararapat dito.

Binibigyang-diin ni Arjun na ang Qur’an ay nananatiling isang tunay na pinagmumulan kung saan nagmula ang mga agham at turo ng Arabiko ngunit ang mga iskolar at mga mananaliksik na Muslim Ummah ay hindi nagbigay ng nararapat na pansin nito.

 

 

3480808

captcha